Naranasan mo na bang
humiga sa puting buhangin na mala-polvoron sa pino?
Mayaman ang bansa natin
sa mga baybayin at marami dito ay nagtataglay ng mga nakakabighaning mga
tanawin. Dahil sa kakaibang halina at natural
na taglay na kagandahan ng ating mga baybayin ay nakilala ang bansa natin sa
iba’t ibang panig ng mundo.
Isa sa mga pambato at
ipinagmamalaki ng ating mga baybayin ay ang white sand. Ilang beses na rin akong nagkaroon nang
pagkakataon na makatapak sa mga exceptional na white sand beaches at talaga
namang kamangha-mangha ang ganda ng mga ito.
Iyon bang tipong kahit na magpagulong-gulong ka ay hindi man lang ito
dumidikit sa iyong katawan. Kulang na
lang ay bilugin mo ito at ilagay sa isang makinang na papel at magmumukha itong
polvoron.
Sadyang mapalad tayo sa
angking likas na yaman ng ating bansa.
Sana ang bawat isa sa atin ay magkakaroon nang pagkakataon na makaapak
sa isa man sa ating mga naggagandahang mga white sand beaches at para na rin
natin hindi tayo maging estranghero sa ating sariling bansa.
No comments:
Post a Comment