Monday, January 12, 2015

Buhay Probinsiya


Ang buhay probinsiya na ating nakagisnan ay unti-unti na ring nagkakaroon nang pagbabago.  Sumusunod na rin ito sa takbo ng modernisasyon.  Marahil, tanging ang mga liblib na lugar na lang sa ating bansa na walang tagong yaman ang siyang naiiwan.

Pero kung ako ang tatanungin ay mas mainam pa ring tumira sa probinsiya kesa sa lungsod.  Kung meron ka lang sapat na pera para sa pang-araw-araw mong pamumuhay ay tiyak na mas relaxing ang tumira sa probinsiya.  Iyon na rin marahil ang dahilan kung bakit ang iba sa atin, kahit na naikot na sulok ng buong mundo ay ninanais pa ring bumalik sa kanilang mga probinsiya dahil sadyang kakaiba ang kapaligiran dito.

Sa probinsiya kasi ay nakakalanghap ka pa nang sariwang hangin.  Ang mga pagkain dito, lalo na ang mga gulay, prutas, karne, at isda ay talaga namang sariwa.  Nakakagalaw ka na hindi masyadong naglalabas ng pera.  Pwedeng makalibre ka sa kapitbahay ng dahon ng malunggay, alugbati, saluyot, talbos ng kamote, at kung anu-ano pa.  At higit sa lahat, buhay pa rin ang diwa nang bayanihan at pagmamalasakit sa kapwa.

No comments:

Post a Comment