Maraming mga beach
resort sa ating bansa na nagtataglay ng mayamang tanawin sa ilalim ng
dagat. Mapa pulutong ng mga isda, coral
reef formation, o di kaya’y mga giant clams.
Meron pa nga akong napuntahan minsan na may ship wreck sa ilalim ng
dagat noon pang panahon ng WW2.
Anyways, sa mga gustong
makaranas ng adventure sa ilalim ng dagat, puwedeng subukin ang murang
snorkeling o di kaya’y ang mahal na scuba diving. Di hamak na mabenta ang snorkeling kaya’t
asahan mong kasama sa mga amenities nila ang pagpaparent ng snorkel. Iyon nga lang at may kaunting alalahanin tayo
dito. Bago subuking magrent ng snorkel
ay alam mo na ba kung ilang bibig na ang gumamit nito at kung papaano nila
nilinis ito bago ipagamit sa iba?
Haha. Dahil hindi naman kamahalan
ang gamit na ito mas maige na sigurong bumili ka na lang ng sarili mo para no
hassle pagdating sa paggamit nito.
No comments:
Post a Comment