Sa isang photography class ay naatasan kaming magsubmit ng kuha naming pictures para ma-critique ng buong klase. Bawat isa sa amin ay pipili ng isang larawan at magsasabi kami ng mga puntos kung bakit kaaya-aya ito o may mga kakulangan.
Dahil nasa bandang dulo na ako ay iilang mga larawan na lang ang natirang pwede kong pagpilian. Nang nakapili na ako ay napangiti ang aming instructor at marahil ay na-amused siya sa napili kong larawan. Bakit daw 'flower' ang napili kong i-critique? At sa sulok ng mga ngiti ng aming instructor ay meron akong napansing malisya.
Napangiti rin ako sa kanyang ipinakitang malisya at agad kong sinabi sa kanya na, 'Sino ba naman ang tatanggi sa isang bulaklak lalo na kapag ito ay sariwa pa at hindi na tuyot.' Nagtawanan ang iba kong mga kaklase nang makuha ang kahulugan ng aking tinuran. Biglang natigilan ang aming babaeng instructor at tipong hindi makahirit ng susunod niyang sasabihin. Pagkatapos ay idinagdag ko pa na, 'Sadyang napakagandang tingnan ang bulaklak o sex organ ng halaman lalo na kapag maganda ang pagkabuka nito.' Haha.
No comments:
Post a Comment