Danggit ang isa sa mga paboritong bulad na masarap ihain lalo na kapag malutong ang pagkaluto nito. Lalo na kapag hindi maalat ang timpla nito, talagang nakakaengganyo itong kainin kapag marinig mo sa iyong katabi ang malutong nitong pagkaluto.
Dahil sa pagiging kilala ng danggit, kahit sa mga resto ay inihahain na rin ito. Iyon nga lang at medyo mahal ang presyuhan nito at iilang piraso lang ang isang serving. Ganoon pa man, ipinapakita nito na hindi pang mahirap lang ang bulad na gaya ng danggit. Ang bad side lang nito ay mahal ang presyo ng danggit kumpara sa mga pangkaraniwang bulad at minsan ay hindi na rin makabili ang mga ordinaryong tao.
No comments:
Post a Comment