Sa Tagalog, ang salitang nilaga ay palaging nakakabit sa karneng baka.
Dahil mahal ang karneng baka at hindi naman exclusive sa karne ng baka ang salitang 'nilaga', kadalasan ang mga nakagawiang mga putahe ay binabago. At kapag ito ay nagustuhan at pumatok, nakakasanayan na itong iluto.
Minsan ay nakatikim ako ng isang masarap na nilagang baboy. Simple lang ang pagkaluto nito. Pinalambot lang ang karne ng baboy at ang tanging gulay na kasama dito ay pechay Baguio na higit na mas malasa kumpara sa repolyo. Dahil mahal ang gulay, kadalasan ay kung ano lang ang makakayanan ng budget ang siyang pinagkakasya.
Ang sikreto nang masarap na nilagang baboy na aking natikman ay ang maraming slices ng luya at tanglad. Sa isang lugar kung saan ang tanglad ay parang damo na tumutubo, kahit araw-araw pa ay magtanglad ka. Kaya't ganoon na lang sila maglagay ng tanglad sa nilagang baboy na isa sa sikreto nang pampasarap nila sa ulam.
No comments:
Post a Comment