Minsan sa aking paggagala ay nasumpungan ko ang kakaibang dahon na ito. Nakakatuwa ang kanyang hitsura dahil kakaiba siya sa mga dahong nakita ko at may mga kawangis din siyang mga dahon pero ang iba ay walang mga tuldok katulad nito.
Mabuti na lang at meron akong napagtanungang isang taga-doon at nakakatuwang malaman na ang mga tuldok sa dahong iyon ay itlog pala ito ng isang insekto. Akala ko noong una, at ganoon din ng aking mga kasama, ay sadyang ganoon ang disenyo ng dahong iyon pero hindi pala.
Nakapanood din ako ng mga kahalintulad na palabas sa animal planet at kadalasang ginagawa daw ito ng mga hayop o insekto para itago o protektahan ang kanilang mga itlog kahit na hindi nila ito binabantayan. Nakakatuwang isipin na ang bawat nilalang sa ating planeta ay may kanya-kanyang paraan sa pagpaparami at sa pagprotekha ng kanilang magiging anak. Malamang kapag malaman pa natin ang iba pang kahalintulad na pamamaraan ng iba pang mga hayop at insekto, masasabi nating sadyang kakaiba talaga ang mundo natin at tiyak na mas lumawak pa ang ating kaalaman at pang-unawa.
No comments:
Post a Comment