Napagawi ako minsan sa
isang palengke kung saan ay may mga nagtitinda ng mga alagaing sisiw. Napangiti ako nang makita ko ang mga
makukulay na sisiw. Naintriga tuloy ako
kung bakit nagawa ng mga tindera na kulayan ang mga ito.
Ang siste, ang mga
sisiw na iisa ang kulay ay iniisprayan ng pampakulay kapag tulog na ang mga
ito. Ang iba namang sari-sari ang mga
kulay ay isa-isang ginuguhitan. Ang sabi
ng aleng tindera ay kumukupas naman ang kulay ng mga sisiw kapag ang mga ito ay
lumaki na. Kinukulayan daw nila ang mga
ito dahil ang target nilang pinagbebentahan ay ang mga bata. Mas attracted daw kasi ang mga bata sa
makukulay na sisiw kumpara sa tradisyunal nitong kulay.
No comments:
Post a Comment