Ano nga ba ang love?
Marahil ay meron na
tayong ideya sa iba’t ibang klase nang pagmamahal. Kahit na hindi ito itinuturo sa atin ay atin
itong natutunan habang tayo ay nabubuhay. May pagmamahal para sa ating mga
magulang, kapatid, at kaibigan. May
pagmamahal para sa taong ating minamahal at iba din ang pagmamahal para sa mga
taong napalapit na nang husto sa atin.
May mga taong sobra din
kung magmahal at kung minsan ay nakakasakal o nakakasakit na sila. Marahil ay hindi nila tanto kung papaano
dapat ibahagi ang kanilang pagmamahal.
Ang sabi ng iba ay marami daw insecurities ang ganoong klaseng tao at
gusto nila ay sila ang may control pati na ang damdamin ng iba.
Kapag love mo daw ang
isang tao ay gagawin mo ang lahat para mapasaya lang siya. Subalit kung ang iyong partner lang ang
masaya at hindi ikaw, malamang sa hindi ay hindi na tamang pagmamahal iyon.
No comments:
Post a Comment