Nang minsang sumakay ako
ng bus, pagkasandal ko sa upuan ay parang ang layo na agad ng aking
iniisip. Halos wala pang lamang pasahero
ang bus na iyon at nagtatawag pa ang konduktor ng mga sasakay. Hindi ko maisip kung ano ang seryosong bagay
na naglalaro sa isipan ko ng mga panahong iyon subalit biglang naputol ang
aking pagmumunimuni nang merong sumakay na magnanay at naupo sila sa harap
ko.
Dahil nakaharap sa akin
ang batang nakangiti, agad nitong nakuha ang aking atensiyon. Hindi ko alam kung ngumingiti siya dahil
nakakita siya ng pangit. Haha. Alam
naman nating basta bata ay cute pero hindi natin alam kung alam ng bata na cute
siya at pangit ako. Haha. Ayun nga ang nangyari. Habang naghihintay kami na dumami pa ang mga
pasahero, ang batang iyon ay tila ba gustong makikipag-usap sa akin. Sadya lang talaga sigurong playful ang isang
bata at mahirap maarok ang laman ng kanyang isipan kung bakit masaya siya at
tipong gustong makipag-usap sa isang tao na hindi niya kilala. Mabuti na lang at ganoon ang batang iyon at hindi
pa nangingilala ng ibang tao.
Dahil sa cute ang
batang iyon, agad kong inilabas ang aking cam at pilit kong kinukunan siya ng
magandang litrato. Sa simula ay panay pa
ang kanyang tawa at pagpapacute at tipong game na magpakuha ng picture. Pero pagkaraan ng ilang minuto ay biglang
nag-iba na ang timpla ng kanyang mood at tipong nais nitong iparating sa akin
na pagod na siya. Ayun at nagsimulang
umiyak ang pobreng bata. At bago pa
matuklasan ng kanyang nanay na kinukunan ko ng picture ang kanyang anak,
dali-dali kong itinago ang aking cam at deadma na lang sa bata. Hehe.
No comments:
Post a Comment