Masaya talaga ang
pagiging isang bata. Kahit sino ang
magsasabi ay walang kasing saya ang buhay ng isang bata. Ito kasi ang parte ng buhay natin na kung
saan ay wala tayong masyadong mga alalahanin at mga problema.
Kapag ikaw ay isang
bata, maraming mga bagay ang puwede mong gawin para sumaya. Sa totoo lang, hindi kumplikado ang buhay ng
isang bata kaya’t masyadong madali ang makipagkapwa bata at ganoon din ang
pagkakaroon ng mga kaibigan. Basta
nagkakasundo ng interes ay madaling makisama at makigulo.
At pag dumating ang mga
masasayang sandali, asahan mong ang kanilang tawanan at saya ay wagas. Maririnig mo sa kanilang mga tawanan ang
totoong saya na walang halong anumang pagpapanggap.
Kapag sila ay nagkakatuwaan, ito ay todo bigay na tila ba wala ng
bukas.
Tiyak maraming mga
alaala tayong magpa-flashback sa tuwing makakakita at makakapanood tayo ng mga
batang nagkakasiyahan. At asahan mong
kapag may mga bata nagkakasiyahan, ang galak sa ating mga puso ay walang
kapantay.
No comments:
Post a Comment