May nagtanong minsan
kung totoo ba ang kasabihang ‘Curiosity kills the cat.’
Maraming dahilan kung
bakit mayroong nacucurious sa iba’t ibang bagay. Maraming mga bagay ang naglalaro sa kanilang
isipan kaya’t gusto nilang malaman ang mga kasagutan dito. Ang iba ay talagang buwis-buhay ang ginagawa
kung minsan para lang malaman ang dapat na malaman.
Nakakatuwang isipin na
sadyang nagiging malikot ang ating isipan at imahinasyon tungkol sa iba’t ibang
mga bagay. Ang iba sa atin ay hindi natatahimik
hangga’t hindi nalalaman ang kasagutan. Gumagawa
tayo ng paraan para lang masatisfy ang ating sarili sa mga tanong na naghahanap
ng mga kasagutan.
Kung babalikan natin
ang kasabihang ‘Curiosity kills the cat’, malamang ay totoo ito. At kung hindi ka maniniwala dito, aba’y
tanungin mo muna ang hawak mong siopao kung ano ang totoong palaman nito. Haha.
Patay kang pusa ka.
No comments:
Post a Comment