Dati ay nakahiligan ko
ring mag-alaga ng isda sa aquarium.
Nakumbinsi ako ng ilan sa aking mga officemates na subukin ko raw ang
hobby na ito. Dahil sa madalas ko silang
maringgan ng mga magagandang bagay tungkol sa kanilang mga alagang isda,
naengganyo din ako.
Ang sarap pala sa
pakiramdam na meron kang aquarium sa loob ng bahay. Pagkauwi ko galing sa trabaho at medyo pagod,
uupo lang ako sa harap ng aking aquarium at panonoorin ang mga alaga kong isda
na lumalangoy. Nakakawala pala ng stress
at pagod ang hobby na ito. At masasabi
kong sulit ang investment ko dito.
Ayun nga lang at
masyadong ambisyoso ang una kong set. Kahit
na wala akong ideya, sinubukan ko ang salt water. Nakakatuwa kasi ang mga makukulay na isda sa
salt water kaya’t iyon ang aking napagdiskitahan. Dahil sa hindi ko makuha ang tamang timpla ng
salt water, ayun at si ‘nemo’ ang bukod tanging survivor sa mga isda ko. Nagsilutangan lahat ang mga mahihinang klase.
Tapos ay hindi pa ako
tumigil doon. Round two pa ng salt
water. Pagkaraan ng ilang araw ay nag
brownout habang ako ay nasa trabaho. Ang
ending? Deads lahat ang mga alaga kong
isda. Haha.
Kaya back to fresh
water na lang ako. Medyo hindi ganoon
kahirap mag-alaga ng fresh water fish kaya’t nagawa ko ring palakihin ang mga
nagustuhan kong fresh water fishes.
No comments:
Post a Comment