Nagiging katuwaan ko na ang mag shoot ng shooter lalo na kapag kakilala ko ito. At kung hindi naman ay pasimple lang kung makatutok ang kamera ko.
Sa isang modernong panahon kung saan ay halos bawat isa sa atin ay may hawak na kamera, halos maya't mayang pagkuha ng litrato ang ating ginagawa. Mapa-selfie o kung anu-ano pang gimik para makakuha o magpakuha ng picture ay game tayo diyan. Kaya nga ang dami nating paandar para lang makakuha tayo nang kakaibang litrato na magugustuhan natin.
Kaya't kung magkakasama tayo at bisi-bisihan kayo sa pagkuha ng pictures, hmmmmm, nandito lang ako sa tabi-tabi at wala kang kaalam-alam na kasama ka na pala sa magiging kakatuwang subject ko. Hehe.
No comments:
Post a Comment