Ano ang trip mo?
Bawat isa sa atin ay may
kanya-kanyang trip. Marami sa atin ay
trip ang mag-selfie at kung anu-ano pang mga paandar kapag kinukuhaan ang
sarili ng picture. Habang lumalaon, ang
simpleng pagselfie ay patuloy na nag-eevolve.
Ang trip ko naman ay
magpapicture sa gitna ng kalsada.
Haha. Nagsimula ito sa simpleng
katuwaan lang at kapag may pagkakataon ay talagang sinasadyang gawin na
ito. May pangarap nga akong magpapicture
sa gitna ng EDSA. Hehe. Good luck daw sa akin at mag-ingat daw ako at
baka sana masagasaan daw ako. Haha. Ang praning din ng mga kaibigan ko.
Pero siyempre sa
ganitong klaseng trip, kailangan ay ibayong pag-iingat lagi. Kailangan ding hindi makakaistorbo ng ibang
tao. It is better safe than sorry, ika
nga.
No comments:
Post a Comment