Minsan ay nagkatuwaan kaming magshoot dahil ang isang kasama namin ay naka as long as sleeves. Hehe. Wala namang espesyal na okasyon ng araw na iyon at tipong tamang porma lang ang dating ng isang ito.
Ang original kong balak sa kanya ay mag-unbutton siya ng kanyang long sleeves at tipong hahayaan niyang liparin ng hangin ang damit nito para kunwari ay may effects. Ang kaso nahihiya daw siyang maghubad dahil may karamihan ang mga tao sa lugar na iyon. Pati nga ang pag-expose ng kanyang panloob na sando ay halos ayaw niyang ipakita sa ibang tao. Conservative kuno si loko. Hehe.
Ang ending, nagkasya na lang kami sa simpleng eksena at patalikod pa niyang ginawa ito. Dapat sana ang tema namin ay 'Look! It's a bird! No! It's a plane! No! It's Superman! No! I Love Palawan!' Haha.
No comments:
Post a Comment