Sa isang event ay naispatan
ko ang lalakeng ito. Kakaiba ang kanyang
dating maliban sa pagiging banyaga nito.
Pasimple ko siyang kinunan ng picture.
Nang muling magkrus ang
landas namin ay may kasama na siya. Ang
kanyang kasama ay mukhang asyano.
Miyembro pala sila ng grupong Hare Krsna at mga misyonero sila. Ang lalakeng nakuhaan ko ng picture ay
taga-Australia at mag-iisang taon na siya sa Pilipinas. Umiikot siya kasama ang isang Pinoy (na akala
ko ay foreigner din at nag nose bleed pa ako sa kaka-English sa kanya) at
humihingi sila ng donasyon para sa kanilang samahan. Natawa tuloy ang kasama ko dahil kinausap ko
pa daw ang mga ito at nabati tuloy ako ng ‘hare krsna’ pero mapilit sa paghingi
ng barya. Haha.
No comments:
Post a Comment