May mga tao na talent
nila ang mag-evade o umiwas sa isang sitwasyon kahit na buko na sila o di kaya’t
caught in the act na sila. Nagiging parte
na nang kanilang sistema ang pag-iwas o hindi pag-amin at sa paglipas ng
panahon ay nagiging mas magaling na sila.
Kumbaga, kung idinidikta ng iyong isipan na panindigan ang isang bagay
na wala kang ginawang mali kahit na napakaobvious na nito ay magagawa mong
paikutin ang ibang tao na sadyang mababaw ang pag-iisip. Ang iba namang ayaw makipagtalo sa iyo ay hindi
na iimik pero sa likod ng kanilang utak ay alam na nila kung anong klase kang
tao.
Mabuti pa nga ang mga
hayop. Kapag sila ay caught in the act,
walang anumang mahabang paliwanagan sa kanilang panig (kung sakali mang
nakakapagsalita sila). Kapag sila ay
nahuli, kusa silang aalis o di kaya’y iiwas na lang. Meron silang ‘delicadeza’ kumbaga.
Kaya’t mali na ikumpara
natin ang mga hayop sa tao na walang kabusugan o walang hiya sa sarili. Ang mga hayop kung minsan ay mas marangal pa
sa pinakamataas na uri nila.
No comments:
Post a Comment