Kapag late ka na raw, bawal
ang maging mapili sa masasakyan.
Haha. Double meaning ba?
Ang maaga daw na
nakakarating sa paroroonan ay maagang nagigising at hindi umaga na kung
matulog. Hindi daw acceptable ang excuse
na ‘matrapik’ kung late dumating. Ang ibig
sabihin noon ay late ka lang talagang umalis sa pinanggalinan mo.
Kapag late ka na, basta
may bakante at pwedeng masakyan, hindi na uubra ang pagiging choosy mo. Kasehodang umupo ka sa estribo o sa sampahan
ng sasakyan o di kaya’y kumandong sa driver ay gagawin mo para lang
makakarating ka sa iyong paroroonan. Minsan
ay magmamakaawa ka pa para lang makasakay at titiisin mo kahit ang
makikipagsiksikan at halos magkapalit na kayo ng mukha ng iyong kaharap basta
mairaos lang ang byaheng iyon. At kapag hindi ka makasakay, tiyak na uusok ang
iyong ilong at ang tindi ng init ng iyong ulo.
Kaya’t ngayon ay alam
na natin kung bakit mainit ang ulo ng ibang tao kapag nahuli sila sa
biyahe. Hehe.
No comments:
Post a Comment