Marahil ay literal nating masasabi na 'amoy pa lang ay ulam na' kapag inihaw na isda ang ating pag-uusapan.
Iba talaga ang dulot na amoy ng sariwang isda kapag ito ay inihaw mo. Sa amoy palang habang ito ay nakasalang, alam mo na sariwa ang isda. Malamang ay unti-unti ka na ring ginugutom habang puro amoy ka lang muna. Haha.
Ang masarap sa inihaw na isda ay dapat hindi tostado ang pagkaluto nito. Hindi kasi masarap kumain ng uling o matigas na karne ng isda. At kapag nakahain na ito, mas patok itong kainin agad habang mainit pa. Medyo nakakabawas kasi ng sarap kapag ito ay lumamig na.
Hay, mapapaekstra rice na naman ako nito kapag ito ang ulam ko. Hehe.
No comments:
Post a Comment