May mga tao daw na maganda
kapag hindi masyadong natatamaan ng liwanag.
May nakaringgan ako minsan na sila daw ay matatawag mong ‘hidden beauty.’ Hehe.
Nagiging parte na nang
ating kamalayan kung ano ang maganda at hindi maganda. Maraming factors kung bakit nagkakaroon tayo
ng ganitong klaseng panuntunan. Minsan
ay hindi tayo nagkakasundo sa ganitong aspeto dahil ang bawat isa sa atin ay
may kanya-kanyang panukat. At applicable
pa rin ang kasabihang ‘Beauty is in the eyes of the beholder.’
Kung tayo ay naniniwala
sa biblical truth na ‘Man is created in the image and likeness of God.’, ibig
sabihin nito ay walang ‘panget’ sa mundo.
Sa tingin ng ating Panginoon,
lahat tayo ay magaganda. Pero dahil nga
ay meron tayong free will, tayo na mismo ang naglalagay ng panukat kung ano ang
maganda o hindi maganda para sa atin.
Alalahanin natin na
kakaunti lang ang permamente sa mundo at hindi kabilang dito ang taglay na panlabas
na kagandahan ng isang tao. Kaya kung
ang mamahalin natin ay ang panlabas na kagandahan ng isang tao, darating ang
panahon na lilipas ang pagmamahal na ito at hahanap na naman tayo ng isang ‘magandang’
tao ayon sa ating pamantayan.
No comments:
Post a Comment