9am pa lang ay ramdam mo na ang init ng araw lalo na at summer time na. Simula pa lang ng buwan ng Marso hanggang ngayong Mayo ay ramdam ang tindi ng init ng araw. Ang advice nga ng mga experts ay dapat huwag tayong magbababad sa araw lalo na kapag katirikan nito dahil tiyak matinding parusa ito sa aking balat at sa ating katawan na rin.
Kapag panahon ng summer, tiyak ay kanya-kanya tayong gimik para masolusyunan ang matinding sikat ng araw. Maraming pwedeng gawin para hindi tayo matutong sa init at kung maari lang ay umiwas magbabad sa ilalim ng matinding init ng araw. Kahit na hindi tayo prone sa skin cancer, madaling nasisira ang ating balat kapag madalas itong exposed sa sobrang init ng araw.
Sa bansang kanluranin, hindi big deal ang pagdadala ng payong ng mga lalake bilang panangga sa araw at ulan. Kahit dito sa Pinas, marami na ring mga lalake ang natutunang magdala ng payong at gamitin ito bilang proteksiyon. Ang ibang mga tao na hindi pa naka-move on sa 'machismo' image nila ay matindi pa rin ang pagtanggi nilang magdala at gumamit ng payong.
Hindi naman kawalan at lalong hindi nakakabawas ng pagkalalake ang pagdadala ng payong lalo na at pangproteksiyon ito. Sabagay ay kanya-kanya naman tayong paniniwala at pag-aalaga ng sarili. At mas maige na iyong may proteksiyon kesa magdusa at magtiis sa matinding init ng araw.

No comments:
Post a Comment