Narinig mo na ba ang
kasabihang, “Let us cross the bridge when we get there.”?
Minsan ay natatanong
tayo tungkol sa isang sitwasyon na mahirap sagutin o solusyunan lalo na kapag wala
pa tayong experience tungkol dito. Sa
pamamagitan ng logic, pilit nating binibigay ang naisip nating solusyon pero
kapag tayo na ang nasa ganoong sitwasyon ay mahirap palang pairalin ang logic
lalo na kapag naunahan tayo ng kaba at pagkabalisa. May mga pagkakataon ding nagbibigay na lang
tayo ng ‘safe’ answer dahil di natin tiyak ang ating gagawin o dahil gusto lang
nating mag play safe.
Pero papaano yan kapag
ang follow-up question ay, “How will you cross a bridge if there is no bridge
at all?” Haha. Ginawa bang literal ang sitwasyon?
Ang mga taong mahilig
daw mag play safe ay selfish at di dapat pagkatiwalaan. Oo nga at hindi sila nagkakaroon ng conflict
sa ibang tao pero malabo ding magbibigay sila nang tulong kapag kinakailangan
mo sila. Ang ganitong tipo daw ng tao ay
walang pinapagana kundi ang sariling interest lang nila.
No comments:
Post a Comment