Simula nang magustuhan ko ang labong, tuwing umuuwi ako sa probinsiya ay ito ang nirerequest kong ulam.
Dati ay hindi ko talaga pinapansin ang labong kapag nagluluto ang pamilya ko nito. Basta di ko lang trip kainin. Pero nang nagsimula na akong magtry ng kahit na anong pagkain, nasubukan ko na rin ito at malaking bagay pala ang na miss ko sa mahabang panahon. Haha.
Ang maganda lang kapag kayo mismo ang naghanda ng ulam, ang mga murang sangkap at pwedeng kainin lang ang isasama mo. Nakaexperience na kasi ako na kumain sa mga eatery ng labong at dahil ang nabibili nila ay gayat na mula sa palengke, basta pwedeng ibenta kasehodang matigas na 'yon ay ibinibenta pa rin. Kaya nakakasuyang kainin kapag may maraming matitigas na parte ng labong.
Karaniwang luto ng labong sa amin ay may gata tapos nilalagyan ito ng saluyot at talangka o hipon. Dahil malapit lang kami sa ilog at madaling nakakahuli ng talangka, kapag gulay na labong ang usapan, asahan mong sasaglit lang sa ilog ay may pansahog ka ng talangka. Grabe. Ginutom tuloy ako. Haha.
No comments:
Post a Comment