Minsan ay napatambay kami sa isang store at habang hinihintay namin ang inorder naming pagkain ay naagaw ang aming pansin ng isang nakakatuwang laruang dragon.
Hindi talaga masasabi kung totoong may nabubuhay na dragon noong unang panahon. Sa kasalukuyan kasi ay isang mythical creature lang ang dragon pero malaki ang impluwensiya nito sa kultura ng mga Europeans at Asians. Ayon nga sa series na Ancient Aliens, malamang ay may pinaghugutan ang creature na ito dahil nagiging palasak ang representation nito sa iba't ibang mga kulturang hindi pa nagkakilanlan noong unang panahon pa.
Pero ang tanong nga ng kasama ko, bakit ba kailangan nating problemahin ang 'problema' ng dragon? Haha. Oo nga naman. Ang mahalaga ay naenjoy namin ang inorder naming pagkain at naging mabait ang tindera na ipahiram sa amin ang naka-display nilang laruan na dragon.
No comments:
Post a Comment