Minsan ay para-paraan
lang talaga para magpapicture.
Nasumpungan ko ang
dalawang ito na nagpapapicture sa gitna ng kalsada. Dahil isinara ang kalsada sa mga motorista ay
libreng malakad sa gitna ng kalsada at kahit na humiga ka pa ay walang huhuli
sa iyo. Napangiti na lang ako sa dalawa
dahil ginagawa din namin ang kanilang style.
Ipinaalam ng isang
babae ang mga lobong hawak nito sa isang tindero at nang pumayag ang tindero ay
dagli silang pumuwesto sa gitna ng kalsada.
Ang ganitong experience (kahit na may simpleng kababawan) ay masaya
dahil hindi madaling kumumbinsi ng isang tindero na ipahiram sa iyo ang kanyang
paninda lalo na at lobo ang mga iyon. At
malamang kung hindi ka magiging maingat, tiyak bugbog sarado ka sa tindero kung
biglang lumipad ang mga lobong hawak mo at hindi mo ito mabayaran. Hehe
No comments:
Post a Comment