Masarap talaga ang
tumira sa isang tropical na bansa gaya ng Pilipinas. Dadalawa lang kasi ang season dito at kapag
dumarating ang summer ay asahan mong panahon na naman nang masarap at walang
hanggang lubluban sa dagat.
Laging the best ang
magtampisaw sa dagat tuwing summer. Lalo
na kapag hindi ganoon kalalim ang baybayin, sobrang enjoy ang bawat sandali. Bata man o matanda, marunong man lumangoy o hindi,
lahat ay gustong maglublob sa dagat. Lahat
ng mukha na iyong makikita ay masaya at hindi nauubusan ng gimik ang bawat isa
para lang ienjoy ang bawat sandali sa dagat.
Kaya’t kung may time
kang lumabas, tara na at magpakasaya sa dagat.
Enjoyin natin ang summer at gawin nating walang kasing saya ang
pagkakataon na ito kasama ng ating pamilya at mga kaibigan.
No comments:
Post a Comment