Nang pumasok ang year 2000, nagkaroon nang shift ang panlasa ng mga Pinoy. Naging instant hit ang KPop at mga palabas na Koreans.
Ang ating pagkakahumaling sa ibang kultura ay palasak na simula nang sakupin tayo ng mga banyaga. Simula noon ay naimpluwensyahan na tayo at palaging nakatuon ang ating pansin sa kung ano ang meron sa ibang bansa. Mas lalong nagiging mabilis ang pagyakap natin sa ibang kultura dahil na rin sa makabagong teknolohiya.
Nakakalungkot isipin na sa samu't-saring mga lahi na siyang pumupunta sa ating bansa (kung saan ang iba sa kanila ay gustong maging naturalized Filipinos), iba naman ang gusto natin. Nagiging dayuhan na tayo sa ating sariling bansa at tipong hindi na natin kilala ang ating lahing pinanggalingan. Mas alam pa natin ang kultura ng ibang bansa kumpara sa sarili nating bayan. At ang nakakalungkot dito, nawawala ang identity natin bilang mga Pinoy.
No comments:
Post a Comment