Sa isang lugar kung saan ay itinuturing itong paraiso ng mga dayo, magiging ordinaryo ba ito kapag naglagi ka na sa lugar na iyon?
Sadyang napapahanga tayo sa mga kakaibang tanawin na siyang bumubusog sa ating paningin, nagpapahanga sa ating kamalayan, at nagpapayabong sa ating experience. Karaniwan, ang isang nakakabighaning lugar ay itinuturing natin bilang isang paraiso.
Minsan ay meron akong napuntahang isang lugar at may nakausap akong nakatira doon. Nabanggit ko sa taong iyon na maganda ang kanilang lugar kaya't patuloy itong dinadayo ng mga turista. Nagulat ako sa tinuran ng taong iyon. Ang sagot niya sa akin ay hindi daw nila alam kung ano ang magandang tanawin sa kanilang lugar na patuloy na nagpapayabong ng kanilang turismo. Ang alam lang nila ay ordinaryong tanawin lang ang meron sa kanila at para sa kanila ay hindi iyon ang definition nila ng isang magandang lugar.
Tama nga. Subjective nga ang term na paraiso. Depende ito kung papaano natin i-appreciate ang ganda ng isang lugar. Malamang nga ay naumay na ang mga lokal sa lugar na iyon kaya't hindi nila makita ang magandang tanawin na siyang nakakabighani sa mga dumadayo doon.

No comments:
Post a Comment