Ayon sa pambansang
bayani ng Pilipinas na si Gat Jose Rizal, ang kabataan daw ay siyang pag-asa ng
ating bayan. Pero kapag ganito ang
makikita ni Jose Rizal, ano na lang kaya ang kanyang sasabihin.
Habang maaga at bata
pa, kailangan daw na hinangin at turuang maige ang mga bata. Sa ganito kasing edad ay mas madaling
maprogram ang kanilang isip at damdamin.
Nakasalalay ngayon sa mga magulang ang tamang pagsubabay at tamang
paggabay sa kanilang mga anak. Dahil ang
mga itinuturo at pangaral ng mga magulang ay siyang dadalhin ng mga bata
hanggang sa kanilang pagtanda.
Subalit kung sa murang
edad pa lang ng mga bata ay maaga silang mamulat sa mga bagay na lihis sa kung
ano ang tama at dapat, gaya na lang nang pagsusugal, tiyak na dala-dala nila
ang gawaing ito hanggang sa kanilang paglaki.
Ang higit na nakakabahala ay ang mga taong naghihikayat sa mga bata na
sumugal sa kagustuhan nilang kumita. Hindi
nila iniisip na nagiging instrumento sila sa paglihis ng mga batang ito sa
tamang pag-uugali at hindi nila iniisip na sa pag-expose ng mga bata sa
ganitong gawain ay pwedeng makahiligan nila ito hanggang sa maadik ang mga ito
sa sugal. Ang maliit na halaga sa
panginin nang nagpapasimuno ng gawaing ito ay unti-unting lumalaki hanggang sa
humantong pa ito sa iba pang uri ng sugal na mas magiging malaki pa ang
pustahan sa hinaharap.
Sana ay maisip ng mga
taong nang-eenganyo sa mga bata na sila mismo ang siyang tumutulak sa mga
batang ito na gumawa ng masama. Ang
kakarampot na pera na kinikita ng mga bata mula sa kanilang pamamalimos ay
higit na mas kapanipakinabang kung sa pagkain na lang sana ng mga bata ito
mapupunta.
No comments:
Post a Comment