Noong nakaraang Chinese
New Year ay dumayo kami sa Binondo para ma-experience ito. Pangalawang pagkakataon ko na itong umatend
ng Chinese New Year simula nang ideklara itong legal holiday sa bansa. Ang kasama ko ay first time niya kaya’t tuwang-tuwa
ito dahil sa kanyang mga nasasaksihan.
Ang isa sa mga
pinagkakaguluhan sa mga kalsada sa Binondo ay ang mga performers na bumubuga ng
apoy. Sa totoo lang ay mahirap ang
kanilang pinaggagawa dahil sa kaunting pagkakamali ay pwedeng pagmulan ito ng
disgrasya Pwedeng makapaso sila ng mga
manood o di kaya’t pwede silang magliyab habang bumubuga ng gaas.
Natawa ang kasama ko at
ang sabi niya ay hindi daw niya gagawing raket ang ginagawa ng mga fire
eaters. Ang iba kasi sa kanila ay bungal
na at malamang ay nasisira daw ang mga ngipin nito dahil sa pagkain ng
apoy. Hehe.
No comments:
Post a Comment