Minsan ay napadaan kami
sa isang lugar kung saan ay maraming mga tutang ipinagbibili. Ang gaganda ng mga tuta at tipong maeengganyo
ka dahil ang cute ng mga ito. Mababait
din ang mga tindera at may libreng pakalong pa sa tuta.
May isang dalaga na mahilig
din sa tuta at tuwang-tuwa ito nang payagan siyang makalong ang isa sa mga
ito. Nang hingan namin siya ng picture
habang kalong niya ang isang tuta ay hindi siya nakahindi kahit na hindi niya
kami kilala. Tiningnan pa niya mismo ang
sarili sa hawak kong kamera kung maganda ang registry ng mukha niya doon. At napangiti siya sa resulta ng picture.
No comments:
Post a Comment