Narinig mo na ba ang
kuwento kung bakit sobrang masikip ang balat ng kalabaw?
Ayun sa kuwentong
bayan, minsan daw ay naligo sa ilog ang magkaibigang kalabaw at baka. Maloko din ang dalawang ito dahil nagawa
nilang mag-eskapo at pabayaan ang kanilang gawain nang minsang umalis ang
kanilang amo. Sobrang aliw na aliw daw
ang dalawang hayop sa paliligo sa ilog at nakalimutan nila ang paglipas ng mga
oras. Nataranta na lang silang dalawa
nang bumalik ang kanilang amo at tinatawag sila. Dahil sa pagkabigla at pagmamadali, ang
hinubad nilang balat ay nagkapalit. Ang balat
ng kalabaw ay napunta sa baka at ang balat ng baka ay napunta naman sa
kalabaw. Kaya’t ganoon na lang kasikip
ang balat ng kalabaw kumpara sa balat ng baka.
Mabuti na lang kamo at
habang naliligo ang dalawang hayop na ito ay walang nagdaang gumagawa ng
chicharon. Kung nagkataon ay kakaibang
baka at kalabaw pala ang ating makikita sa ngayon kapag nawalan sila ng balat.
Haha.
No comments:
Post a Comment