Noong minsang naligo
kami sa dagat ay nakakita kami ng starfish.
Wala pa akong ideya noon tungkol sa mga starfish. Ang isa naming kasama ay iniahon ang starfish
at ito ang siya naming pinaglaruan sa dalampasigan (sila lang pala hehe).
Nang nasa dalampasigan
na ang starfish ay kanya-kanyang paandar na nang pose ang bawat isa sa
amin. Sa sobrang tuwa ko na makuhaan ng
picture ang starfish, nakalimutan kong magpapicture din dito. Haha. Ayun at natapos ang katuwaan namin ay hindi ko
man lang nahawakan ang starfish. Hindi ko
tuloy alam kung ano ba ang texture nito at kung kaaya-aya ba itong
hawakan. Haha. Ang laki tuloy ng sisi ko nang maisip kong
wala akong souvenir sa starfish pagkatapos nilang ibalik ito sa dagat.
No comments:
Post a Comment