Kung hindi ka nag-aalaga
ng ibon, baka isa sa mga tanong mo ay, ‘Papaano matulog ang ibon?’
Minsan ay nakahuli ang
pamangkin ko ng ibon. Sa hindi sinasadyang
pagkakataon ay may nahulog kasing ibon mula sa isang puno na katabi lang ng
bahay ng pamangkin ko. Maliit pa ang
nakuha niyang ibon at nang aming tingnan ay may bali ang isang paa nito. Dahil maliit pa ang ibon hirap din itong
lumipad at baka sadyang nahulog ito nang madulas sa tinutuntungan niyang
sanga. O baka naman na out of balance sa
kanyang paglipad.
Amin munang pinakain
ang ibon ng kanin (pero walang kasamang ulam kasi baka aayaw siya kapag
malamang manok ang ulam namin, haha, baka kasi di siya kumakain ng kanyang kalahi)
at pinainum ng tubig. Dahil medyo
madilim na ay nagsimula nang antukin ang ibon.
Ayun at nakita nga namin kung papaano ito matulog. Nakapikit pala. Haha.
Kinabukasan ay
inilibing na namin ito nang datnan ng pamangkin ko na namatay na ito dahil sa
kagat ng langgam. Sensitive ang mga ibon
sa kagat ng langgam kagaya ng mga manok.
Malamang kung hindi lang sana nabali ang isang paa nito ay baka pwede pa
itong makasurvive.
No comments:
Post a Comment