Ang taong malakas daw mang-asar ay karaniwang malakas ding mapikon.
Meron akong dating katrabaho na hayop sa pang-aasar. Kung hindi mo siya kilala ay malamang mapipikon ka kapag ikaw ang napagtripan niyang asarin. Kapag siya ang bumanat, no holds barred ika nga ang kanyang estilo. At kadalasan ay matagumpay niyang asarin ang kanyang napiling subject.
One time at out of the blue, nagkaroon ako nang pagkakataon na maasar siya. Kararating lang niya sa office ng araw na iyon at hindi ko na matandaan kung ano ang napuna ko sa kanya at kung ano ang banat kong joke sa kanya. Nakasanayan ko na kasing kabatuhan siya ng pang-aasar at minsan ay napipikon din ako sa kanya. Nang araw na iyon ay hindi ko naman sinasadya na mapikon siya sa sinabi ko. Malamang ay di maganda ang araw niya kaya't caught off guard siya ng mga sandaling iyon. Nagulat na lang ako nang biglang may lumipad na gunting sa direksiyon ko. Haha.
Ang pagkakaalam ko kasi kapag marunong kang mang-asar ay marunong ka ring tumanggap nang pang-aasar ng iba. Kumbaga ay give and take ang labanan sa mundo. Kapag hindi mo kaya ang ganitong kalakaran at pikon ka rin pala, dapat ay hindi ka mang-aasar dahil hindi mo pala kayang ikaw ay pikunin din. Hindi puwedeng solo mo ang pang-aasar sa mundo at lalong hindi puwedeng magiging bayolente ka pagdating sa asaran.
No comments:
Post a Comment