Mahirap daw magkaroon
ng isang long distance relationship. Kahit
na sa modernong panahon kung saan ay may internet at may telepono kang
magagamit, iba pa rin ang pangungulila sa isang minamahal na nakakausap mo lang
at hindi mo nayayakap.
Sa pagkakaroon ng isang
long distance relationship, dito mo raw masusukat kung gaano nyo talaga kamahal
ang isa’t isa. Maliban sa pagmamahal,
trust at loyalty ang pinag-uusapan dito.
Hanggang saan ka makakatiis na hindi mo makapiling ang iyong minamahal
lalo na kapag maraming temtasyon at tukso sa iyong paligid.
Sadyang nakakabilib ang
mga pusong nagmamahalan na kahit na malayo sila sa isa’t isa ay napapanatili
nila ang kanilang sumpaan sa isa’t isa. Marahil
nga ay sadyang nakalaan sila sa isa’t isa at kahit na nasa magkabilang panig
man sila ng mundo, kaya nilang magtiis at maghintay para sa kanilang
minamahal. At kapag dumating ang takdang
panahon ng kanilang pagkikita at pagsasama, aasahan mong magiging wagas ang
kanilang pagmamahalan.
No comments:
Post a Comment