Masasabi kong naging bahagi ng aking paglaki ang pagkaing ito. Isa ito sa mga pagkaing nakagisnang inihahanda sa aming lugar at nang lumaon ay naging pang araw-araw na kakanin na inilalako. Maraming varities ang kakaning ito. Maliban sa simpleng malagkit na kanin ay may kamoteng kahoy din nito.
Sa ibang lugar, kapag suman ang usapan, awtomatikong nakadikit na dito ang malagkit na kanin. Kadalasan, para mas masarap at malasa ito, overnight na ibinababad sa gata ng niyog ang malagkit na bigas bago ito balutin at pakuluan. At para mas lalong sumarap pa ito, pinapahiran ito ng margarine o di kaya'y nilalagyan ng jam. Nakakagutom tuloy. Haha.
No comments:
Post a Comment