Nang minsang nasa galaan ako ay medyo nakakabadtrip dahil hindi stable ang panahon. May nakaamba palang bagyo at ang mga unang bugso ng ulan nito ay pagbabadya nang padating na bagyo. Ayun at tipong by the mercy ka ng panahon. Kung kelan titila ang ulan ay doon ka palang ulit mabubuhayan nang pagkakataon para magsaya at gumala.
Ang sabi nga nila, kapag umuulan ay kailangan mo munang sumilong kapag hindi ka pa handang mabasa. Kung magiging sagabal ang pagdating ng ulan ay binibigyan ka nito nang pagkakataon para magmunimuni at marahil ay may mga bagay sa iyong paligid na pwedeng tapunan mo nang pansin. Kung wala ka namang masisilungan, eenjoy mo na lang ang buhos ng ulan. Ang tawag ng iba diyan ay blessing in disguise at malamang ay magdudulot din ito nang magandang experience lalo na kapag takot ka sa ulan o hindi mo pa nasubukang maligo sa ulan.
May dahilan ang lahat ng bagay, maging ulan man yan. Ang mahalaga ay kung ano ang ating magiging pananaw sa mundo kapag may mga bagay na dumadating na hindi umaayon sa ating plano. At doon nasusukat kung ano tayo at maging ang ating pagkatao
No comments:
Post a Comment