Isa sa mga hilig ko ay ang kumuha ng picture ng waterfalls. Marami-rami na rin akong napuntahang mga lugar na may waterfalls at kadalasan sa mga ito ay talagang malayo at kung minsan ay buwis-buhay pa.
Sadyang nakakahalina ang ganda ng waterfalls at tila ba isa itong palabas para sa akin na habang tumatagal ay nakakamangha at napakaganda. Masasabi kong mapalad ako at nasa kalakasan pa ako para marating at makita ang mga ito. Ito ang tipo nang lugar na kahit kailanman ay hinding-hindi ko pagsasawaang puntahan.
Actually, hindi naman talaga ako naliligo sa waterfalls. Binibiro nga ako minsan ng mga kaibigan ko na hindi man lang nabasa ang katawan ko kahit na narating ko pa ang isang talon o waterfall. Haha. Totoo nga naman. Kadalasan kasi ay gusto ko lang tumambay sa isang bahagi nito at gusto ko lang itong panoorin. Lalo na kapag nabigyan ako nang mahabang panahon kung saan ay nakikita mo ang kanyang pagbabago sa buong araw, talagang sulit ang experience na iyon at maging ang mga pictures na makukuha ko dito.
Pictures. Iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa mga ganitong klaseng lugar. Gusto ko lang kumuha ng maraming pictures. Ang sabi nga ay kapag tumanda tayo ay nabubura ang mga alaala sa ating memorya pero hindi ang pictures. Kaya't habang may pagkakataon ay talagang sinusubukan kong kumuha at mag-ipon ng maraming pictures para sa mga alaalang hindi kukupas at makakalimutan.
No comments:
Post a Comment