Monday, January 19, 2015

Diskarte


Nakamulatan ko ang aming lugar kung saan ang pangkaraniwang hanapbuhay ng mga tao ay pagsasaka at pangingisda.  At hindi isa ka sa kanila, kaunting diskarte lang ay hindi ka magugutom.

Kapag panahon na sagana ang isda, asahan mong sa pamayanan namin ay maraming mga tao ang tumatambay sa tabing dagat.  Habang unti-unting kumakagat ang dilim ay lalo pang dumadami ang mga tao.  Ang pagpunta nila sa tabing dagat ay hindi ang pamamasyal o simpleng tambay lang.  Naghihintay sila para tumulong sa paghila ng lambat.

Isa ito sa mga karaniwang tagpo sa aming pamayanan.  Kapag sagana sa isda ang karagatan, ang mga tao ay tumutulong sa paghila ng lambat at sa pagdaong ng isda ay maabutan sila kahit papaano ng isda.  Mas madaming huli ay mas madaming bigay.   Kaya't kung madiskarte ka ay madami kang maiiuwi at hindi mo na kailangan pang bumili ng pang ulam mo ng ilang araw.

No comments:

Post a Comment