Matagal na akong nangangarap na makatikim ng iba't ibang uri ng mga shell fish. Nagbabalak nga akong pumunta sa isang probinsiya sa Visayas kung saan napakaraming mga shell fish ang puwedeng mabili at matikman.
Minsan ay napadpad ako sa Mindanao kung saan nagkaroon ako nang pagkakataon na makatikim ng Saang o Five Fingers na shell fish kung kanila itong tawagin. Simple lang ang ginawang pagluto nila. Ginawa nilang adobo ito at nilagyan ng maraming luya para mawala ang lansa nito.
Noong una ay hindi ko alam na Saang na pala ang nakahain dahil puro laman na lang ito at wala na itong shell. Halos hindi nagkakalayo ang lasa at texture ng kanyang karne sa iba pang mga shell fish na natikman ko. Iyon nga lang at solid ang karne nito at kailangang pakuluan maige para lumambot at para masarap kainin.
No comments:
Post a Comment