Sunday, January 11, 2015

Paglalakbay


Ang buhay ay isang walang katapusang paglalakbay.  Habang tayo ay nabubuhay, patuloy tayong maglalakbay.  Minsan may malayo at minsan ay diyan lang.  Minsan ay may madali at minsan ay may masalimuot.  Pero ang sabi nga ay hindi importante kung ano ang destinasyon kundi ang kung ano ang meron habang tayo ay nasa daan.

May mga paglalakbay na puno nang aral at panibagong karanasan.  May mga paglalakbay na bumubuo ng ating pagkatao at nagbibigay sa atin nang panibagong sigla para mabuhay.  May mga paglalakbay na gumigising sa ating kamalayan at lalong nagpapayabong ng ating sarili.  At may mga paglalakbay na nagbibigay sa atin ng panibagong kalakasan para harapin ang buhay na puno nang pag-asa at positibong pananaw.

Kaya't huwag panghihinayangan na tuklasin ang mga lugar at destinasyon na dapat nating marating.  Habang bata, nabubuhay, at may kakayahang maglakbay ay gawin nating makabuluhan ang ating buhay dahil walang katumbas ang aral at experience na siyang lalong magpapayabong ng ating pagkatao.

No comments:

Post a Comment