Ang islang ito ay matatagpuan sa gitna ng dagat sa bayan ng San Agustin sa lalawigan ng Surigao del Sur. Sa malayo ay kitang-kita ang nakakaengganyo at nakakabighaning white sand nito at tiyak na maiintriga ka kung ano ang hitsura nito dahil para itong white sand bar sa gitna ng karagatan na may mga nakatayong puno ng niyog. Nang una kong makita ito ay naalala ko tuloy ang wall paper ng Windows na may kaparehong tema.
Habang papalapit ka sa islang ito ay talagang mapapa-wow ka dahil sa taglay nitong ganda. Ang tubig nito ay may matingkad na kulay green na siyang nagbibigay ng magandang complement sa sobrang mapuputing buhangin ng isla. Kung baga, nakakaengkanto ang lugar sa ganda at kahit sino ang pumunta dito ay tiyak na mabibihag sa taglay niyang ganda.
No comments:
Post a Comment