Monday, January 5, 2015

Moment



Sa isang matatawag na paraiso kung saan ang buhangin ay maputi at pino, tahimik at halos walang tao sa isla, napakaganda ng tanawin, at meron kang isang modelo, ano pa nga ba ang pwedeng maging dahilan para ma-badtrip ka?

Kakarating lang namin sa isang isla at sa sobrang ganda ng isla ay excited ang lahat.  Ito kasi ang tipo ng isla na kahit buong araw at buong magdamag kang lumagi ay tiyak na magiging habangbuhay mong kayamanan.  Hindi ito katulad ng Boracay kung saan ay may night life.  Dito ay tahimik at walang nakatayong mga structures at tanging mga hampas ng alon lang ang siya mong maririnig.

Pagkatapos naming dumaong sa islang ito ay kuhaan na agad ng pictures.  Ang bawat minutong dumadaan ay nakapahalaga sa amin lalo na at limitado lang ang aming oras.  Sobrang nakapaganda ng islang ito maraming pwedeng gawing magagandang mga konsepto para magpalitrato.  Subalit kapag wala sa control mo ang panahon, isang malaking panira ang pabago-bagong panahon.

Ilang minuto palang kaming nakatapak sa isla at kasalukuyang nagsoshoot ay agad na pumatak ang ulan.  Mabuti sana kung ambon at madalang lang.  Ang kaso, malalaking patak ng ulan ang agad na bumuhos at sinamahan pa nang malakas na hangin.  At kahit na nasa tabing dagat ka na at tipong handa kang maglublob para maligo, tiyak na tatakbo ka at maghahanap nang masisilungan dahil sa masakit na tama ng ulan sa iyong katawan.  Ang ending, maaga kaming lumisan sa islang iyon dahil sa malakas na ulan.  Isang malaking na nakakapanghinayang na pagkakataon ang nasira dahil sa sama ng panahon.  Malamang ay matatagalan pa o baka hindi na maulit pang marating ko ulit ang lugar na iyon.  Moment na sana namin kaso naunsyami nang wala sa oras.  Haha.  Charge to experience na lang.

No comments:

Post a Comment