Ang bulad o dinaing na isda ay matitisod mo kahit saang parte ka man ng bansa naroon. Kahit nga sa mga malls ay meron na rin nito.
Minsan, nang gumala ako sa parteng Mindanao ay may nasumpungan akong kakaibang putahe. Escabecheng bulad daw iyon. Talagang na curious ako dahil sa pagbanggit ng salitang bulad. Nakamulatan ko kasi na ang luto sa bulad ay prito o inihaw lang o di kaya'y inihahalo ito sa gulay para mas lalong lumasa ang pagkain. Pero ngayon ay main dish na siya.
Dahil nga naintriga ako sa lasa nito ay nagpaunlak naman akong tikman ito. Naroon pa rin ang pagiging firm ng texture ng karne nito. Pero dahil nasabawan na ito ay lumambot ang karne nito. At dahil nga hindi maalat ang bulad, mas mainam itong kainin.
No comments:
Post a Comment