Sa buhay, hindi pwedeng maging mabait ka lang lagi. Kapag ipinapakita mo na lagi kang mabait, maraming mga oportunista at mga mapagsamantalang mga tao ang siyang lalamon sa iyo nang buo.
Bakit kaya ganoon ang buhay? Kapag salbahe ka ay marami ang magagalit sa iyo. Marami ang ayaw sa taong salbahe. Pero kapag mabait ka naman, marami din ang mga mapagsantalang mga tao. Saan ka lulugar?
Hindi pala pwede na ilatag mo ang lahat ng iyong baraha at maging open book ang buhay mo kahit sa mga taong madalas mong nakakasalamuha. Hindi man magandang sabihin, ang iba sa kanila ay parang mga leon at tigre na naghihintay lang ng tamang pagkakataon para lapain at sagpangin ka. Wala sa kanilang bokabularyo ang salitang pamilya at kaibigan. Basta kapag interes nila ang pinag-uusapan, hindi ka nila sasantuhin.
Ang sabi nga ay dapat tayong matuto makipaglaro sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi pwedeng puro kabaitan at pagtitiwala nang lubos ang ating paiiralin. Dapat din tayong maging matapang at lumaban kung kinakailangan. Dapat din nating ipakita ang mabangis nating mukha kapag dumating ang pagkakataong nadedehado na tayo. At hindi pwedeng ibigay mo ang iyong kabilang pisngi para pumantay ang pagkakasapak ng iba sa iyo. Ano sila, sinuswerte?
No comments:
Post a Comment