Minsan ay may nakikita tayong mga signages na kumikiliti sa ating imahinasyon. Ang iba ay mapapaisip ka kung ano ang tamang pakahulugan nito. Mapapatigil ka naman sa iba pang signages at marahil ay magtatanong ka kung tama ba ang nabasa mo. Pero ang kadalasang sabi nga, it's the thought that counts.
Nakakatuwang isipin na nagiging malaya tayong magpaskil ng kahit na anong mensahe sa ating paligid. Kaliwa't kanan ay palagi kang may mababasa sa iyong daraanan. Babala, paalala, patalastas, hanggang sa mga naglalakihang mga mukha ng mga pulitiko ay meron tayo niyan at nagkalat sila sa buong Pilipinas. Malamang ay hindi ito napagtutuunang pansin ng ating gobyerno. Ang ating bansa ay nagiging isang malaking message board.
On the lighter side, ang iba sa mga signages ay nagsisilbing taga-aliw na rin. Kahit na hindi kagandahan ang araw mo, kapag nakakabasa ka nang sadyang kakaibang mensahe ay mapapangiti ka na lang. Kaya kung hindi ka naman busy sa iyong pang-araw-araw na buhay, baka may time kang igala ang iyong paningin at malay mo, merong nakapaskil diyan sa tabi-tabi lang na magpapasaya sa iyo.
No comments:
Post a Comment