Ilan ba sa atin ang lumaki sa ating mga lolo at lola? Ang iba sa atin ay maagang naulila o di kaya'y masyadong busy ang ating mga magulang kaya't sa mga lolo at lola tayo ipinagkakatiwala.
Iba ang pagmamahal na ibinibigay ng ating mga magulang. Pero higit na mas kakaiba ang pagmamahal na inilalaan sa atin ng ating mga lolo at lola. Sila kasi ang mga tipong buhos ang pagmamahal at kung puwede lang na ibigay ang lahat ng ating mga pangangailangan na walang pag-aalinlangan ay sa kanila manggagaling iyon. Sila ang tipong ibibigay ang lahat-lahat para lang sa ating ikakasaya.
Ang mga batang lumali sa pangangalaga ng kanilang lolo at lola ay higit na masagana sa pagmamahal at talagang sunod sa layaw. Ang mga bata ding ito ang masarap na magmahal dahil naranasan nila kung papaanong mahalin nang lubos at todo-todo.
Kaya't napakasuwerte ng mga batang may pangalawang mga magulang sa katauhan ng kanilang lolo at lola. Napakapalad nila at nakaranas sila nang pagmamahal na buo at wagas.
No comments:
Post a Comment