Tuesday, June 2, 2015

Kabilugan ng Buwan



Sa kabilugan ng buwan, hindi po totoong lumalabas si batman o ang isang kampon ng kadiliman na kilala natin bilang manananggal.  Pero may kalahi si batman na kusang lumalabas kapag sumasapit ang dilim at sila ay nanginginain.  Pero hindi sila kumakain ng tao at hindi dapat sila kakatakutan.

Kapag kabilugan ng buwan ay madalas na ipinapanakot sa amin ang paglabas ng aswang (o di kaya'y manananggal sa ibang mga probinsiya naman).  Pero sa totoo lang, magpahanggang ngayon ay wala pa rin namang napapatunayan na aswang ang isang tao maliban na lang sa stigmang dulot ng kanilang angkan.  At mas lalong wala pa ring napapatunayan na kumakain ang mga ito ng tao lalo na kapag kabilugan ng buwan.

Ang totoo niyan kapag kabilugan ng buwan ay masarap ang mamasyal lalo na kapag ang isang lugar ay hindi naiilawan ng kuryente.  Ang liwanag na nagmumula sa buwan ang siyang nagsisilbing ilaw para maaliwalas na makita ang dadaanan.  Ang sabi nga sa amin, huwag kang matakot sa aswang o sa multo.  Mas matakot ka sa kapwa mo tao dahil sila ang siyang may kakayahan para gawan ka nang hindi maganda.



No comments:

Post a Comment